Best 26 quotes of Bob Ong on MyQuotes

Bob Ong

  • By Anonym
    Bob Ong

    ako, ang hinahangaan kong tao na mahilig sa libro e yung may matututunan ka pag kausap mo, yung makikita mong naging marunong at mabuti siyang tao dahil sa pagbabasa niya ng mga libro.

  • By Anonym
    Bob Ong

    Ang karamihan nang tao ay walang pakialam, ang karamihan ng politiko ay walang utak, at yung ibang may utak... walang puso.

  • By Anonym
    Bob Ong

    Ayon kay Georges Simenon, ang dahilan daw ng pagsusulat n'ya ay "to exorcise the demon in me." Totoo yon para sa karamihan ng mga manunulat. Ang pagpuksa sa mga personal na demonyo ang nagsilbing makina sa likod ng mga di na mabilang na sanaysay, kwento, at tula. Ang manunulat ay biktima ng isang sumpa na para sa karaniwang tao ay ligo lang ang katapat.

  • By Anonym
    Bob Ong

    Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, anak, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang iyon ng mga kabataan, sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela.

  • By Anonym
    Bob Ong

    Di naman iiyak ang mundo sa isang tao lang...

  • By Anonym
    Bob Ong

    hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.

  • By Anonym
    Bob Ong

    Hindi ka niya lalapitan kung wala siyang kailangan at hindi ka niya lulubayan hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya.

  • By Anonym
    Bob Ong

    Hindi ko alam kung bakit ka namin kailangan? - sa parehong paraan na hindi rin alam ng halaman kung bakit kailangan niya ng lupa.

  • By Anonym
    Bob Ong

    Hindi para sa tamad ang pagsusulat dahil pag binisita ka ng idea, gana o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon. Walang “sandali lang” o “teka muna”. Dahil pag lumagpas ang maikling panahong yon, kahit mag-umpog ka ng ulo sa pader mahihirapan ka nang maghabol.

  • By Anonym
    Bob Ong

    karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na 'kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi

  • By Anonym
    Bob Ong

    ...madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.

  • By Anonym
    Bob Ong

    Mangarap ka at abutin mo ito. Wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis...Kung may pagkukulang sayo ang mga magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde... tumigil sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kilikili... Sa bandang huli, ikaw din ang biktima... Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.

  • By Anonym
    Bob Ong

    MARAMI ANG MAY AYAW SA PILIPINAS, PERO WALANG NAGTATANONG KUNG GUSTO SILA NG PILIPINAS

  • By Anonym
    Bob Ong

    Maraming bagay ang mahal kapag wala kang pera.

  • By Anonym
    Bob Ong

    May problema and bansa, nangangailangan ito ng tulong mo.

  • By Anonym
    Bob Ong

    Mga bata pa kayo. Pag pinaniwalaan namin kayong hindi kayo naglaro ng tubig kahit na basang-basa ang mga damit ninyo, kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko.

  • By Anonym
    Bob Ong

    MHARILYN: Naku, sobrang thank you po, talaga! URSULA: Bakit sobra? Hindi ba pwedeng eksakto ang--eksaktong thank you? Sayang naman yung sobrang hindi na magagamit!

  • By Anonym
    Bob Ong

    Nakayanan n'yang bumangon, hindi ko pagdududahan ang kakayahan n'yang lumipad.

  • By Anonym
    Bob Ong

    Nasasaktan ako dahil sa kabila ng lahat, mahal ko ang Pilipinas.

  • By Anonym
    Bob Ong

    Natapos din ang unos. Pero iba na 'ko ng makaraos. Iba na ang tingin ko sa mundo. 'Yung ibang pananaw ko, bumuti, 'yung iba...hindi ako sigurado.

  • By Anonym
    Bob Ong

    Parang "Time's Up!" ang reunion,"pass your papers finished or not!" Oras na para husgahan kung naging sino ka...o kung naging magkano ka. Sino ang naging successful? Sino ang naging pinaka-successful?

  • By Anonym
    Bob Ong

    Pinapakita nyong mga dayuhang libro pa rin at mga dayuhang libro lang ang tinatangkilik ng mga tao. Bakit magsusugal ang mga publisher sa Pilipinong manunulat kung hindi naman pala mabili ang mga kwentong isinusulat ng mga Pilipino? At kung walang mga publisher na tatanggap ng mga trabaho ng mga Pilipinong manunulat, sino pa ang gugustong magsulat? Kung walang magsusulat, ano ang kahihinatnan ng panitikan sa bansa at sa kakayanan nating bumasa't sumulat?

  • By Anonym
    Bob Ong

    Pilipino ako, sapat nang dahilan `yon para mahalin ko ang Pilipinas.

  • By Anonym
    Bob Ong

    ...pwede nga ring yung TV ang may sumpa. dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. isipin mo, bakit isa ito sa mga unang-unang ipinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. para tumakas sa realidad. kahit mag-isa ka lang sa bahay, nababawasan ang lungkot kung may TV. nakakatanggal-buryong kung wala kang trabaho. mas entertaining kesa sa diyaryo, at mas accessible kesa sa sine. pwede rin itong tagapag-alaga ng mga anak mo. pwedeng ulam kung sakto lang ang budget pambili ng ng bigas. at pwedeng bintana kung parang bartolina lang ang tirahang tinutulugan ng mag-anak mo, dahil may magaganda itong lugar at magagandang tao. kumpleto sa sayawan, kantahan, tawanan, pantasya, at boksing. burado ang mga suliranin mo. pag sinuswerte ka, pwede ka pang manalo.

  • By Anonym
    Bob Ong

    Tatlo ang magulang ng henerasyon natin. Ang tatay, ang nanay, at ang mga patalastas o media. Kaya kung mahina yung dalawang nauna, naagawan sila ng ikatlo sa pagpapalaki sa bata.

  • By Anonym
    Bob Ong

    the problem is, lahat na lang kasi ng pelikula pinipilit gawing pampamilya. one size fits all. kaya tuloy ang material for movies nagiging too mature for kids and too cheesy for adults.